10

Dec 18, 2020 @ 16:47
By

10M Pinoy na sinalang sa COVID test, target pagpasok ng 2021

Inaasahan na sa unang quarter ng 2021 ay umabot na sa 10 milyong Pilipino ang sumailalim sa COVID-19 testing.

Ayon kay testing czar Vince Dizon, posible pang mahigitan ang kanilang target sa mga unang buwan ng 2021.

“Ngayon po mahigit 6.5 million na ang na-test. Makikita niyo naman napakalaki talaga ng dami ng na-test natin pero hindi pa rin po tayo dapat magpakakampante dahil alam naman natin nandiyan pa rin ang COVID,” lahad ni Dizon.

Saad ni Dizon, gumanda na ang testing cpaacity ng bansa ngunit ilang area pa ang walang sariling testing laboratory.

Ilan sa mga ito ay ang Tagum at Digos sa Davao Region, Dipolog sa Zamboanga, Sorsogon City at Borongan, Samar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?