30

Apr 3, 2020 @ 11:39
By

$10M donasyon ni Oprah para sa COVID-19

Parami ng parami ang mga Hollywood personality na nagbibigay tulong para mga naapektuhan ng coronavirus disease pandemic.

Matapos nga nila Ryan Reynolds, Blake Likely, Gwyneth Paltrow and Kylie Jenner, heto na si Oprah.

Naghayag ng kanyang pagtulong ang host na si Oprah. Maglalaan siya ng $1-million para makapagpakain ng mga kababayan niya ng hikahos sa gitna ng krisis. Ang halagang ito ay mapupunta sa America’s Food Fun kung saan ang isa sa founder ay si Leonardo DiCaprio.

Ang host ay magbibigay rin ng $9-M pa para sa iba pang relief projects sa iba’t ibang parte ng Amerika. Maglalaan ang host ng donasyon para sa Mississippi at Tennessee kung saan siya ay minsang nanirahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?