330

By

$10M danyos sa mga biktima ng human rights ni Marcos, inaprubahan sa US

Inaprubahan ang proposal na i-award ang $10 million sa mga human rights victim noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Inilabas ang kautusan na pirmado ni American Judge Manuel Real para sa ikatlong pamamahagi ng pondo na US$1,500 kada 6,500 na biktima ng Martial Law ni Marcos, ayon sa ABS-CBN report.

Ito’y matapos maibenta ang ilang art pieces na pag-aari ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Pinaniniwalaang ang mga naibentang painting ay kabilang sa 200 art collections ni Imelda na naipon niya sa 20 taon na pamumuno ng kanyang asawang si Marcos.

Sisimulan umano ang pamimigay ng tseke sa mga biktima sa Mayo 1 sa anim na siyudad sa Mindanao at magpapatuloy sa iba pang lungsod sa Hulyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?