13
views

By

10K trabaho, pasalubong ni Duterte sa kanyang China trip

Sharing is caring!

Nakabalik na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang biyahe sa China at Hong Kong.

Sa kanyang mensahe pagdating sa Davao International Airport kaninang madaling-araw, masayang ibinalita ng Pangulo ang naging bunga ng kanyang pagdalo sa Boao Forum for Asia sa Hainan, China.

Ayon sa Pangulo, 10,000 trabaho ang malilikha ng siyam na napirmahang business agreements na nagkakahalaga ng $9-8 bilyong investments.

Bukod pa aniya rito ang mga kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at China sa kanilang bilateral meeting ni Chinese President Xi Jinping.

“The nine business agreements signed during my visit yielded and estimated of 9 to 8 billion dollars in investments. These are projected to generate more than 10,000 jobs of our countrymen and women,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na ipagpapatuloy nito ang diplomasya at magandang ugnayan sa ibang bansa para maisulong ang ekonomiya at pangkaligtasang interes ng Pilipinas.

“I reiterated the Philippines’ commitment to do more to encourage greater investments into the country,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?