rice
By

10K sako ng murang bigas, tinanggap na ng NFA

Sharing is caring!

Dumating na sa bodega ng National Food Authority (NFA) sa Quezon City ang 10,000 sako ng bigas mula sa mga pribadong negosyante.

Ang regular milled rice na mula sa Nueva Ecija ay ikinarga at inihatid sa 17 na trak.

Ipagbibili sa publiko ang bigas ng P39 kada kilo o mataas ng P7 sa pinakamahal na NFA rice.

Sinabi ni Victor del Rosario, presidente ng Nueva Ecija Rice Millers Asso., prayoridad sa distribusyon ang mga lugar na mababa na ang supply ng bigas.

Una nang nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pribadong negosyante ng bigas na tumulong sa pagpapakalat ng murang halaga ng bigas ngayong ubos na ang NFA rice.

Ang NFA ay nakatakdang mag-angkat ng 250,000 metriko tonelada ng bigas mula sa Vietnam o Thailand.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?