25

By

10K pulis ipapakalat sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan

Sharing is caring!

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 10,000 na pulis para magbigay ng mas mahigpit na seguridad ngayong Christmas season.

Ayon kay PNP NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, sa gabi ng ika-15 ng Desyembre ay ide-deploy na ang 9,559 na pulis bilang paghahanda sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa madaling-araw ng Disyembre 16.

Partikular aniyang ide-deploy ang mga pulis na ito sa mga matataong lugar katulad ng mga mall, MRT LRT, mga shopping area, palengke at simbahan.

“This christmas we will be deploying 9,559 uniformed policemen in all places of convergence particularly sa mga mall, mrt, lrt natin, shopping areas lalo na mga open markets and churches na malaki,” sinabi ni Albayalde.

Kaugnay nito, sinabi pa ng hepe na hindi na rin kailangan pa ng augmentation force para i-deploy sa Metro Manila ngayong Christmas season.

Hanggang sa ngayon ay nananatiling payapa ang buong Metro Manila at walang namo-monitor na anumang banta sa seguridad. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?