261
10K na lumang watawat, papalitan ng bago
Apr 26, 2019 @ 16:42
By

10K na lumang watawat, papalitan ng bago

Mga bagong bandila ng Pilipinas ang makikita sa buwan ng Mayo na bahagi ng selebrasyon ng National Heritage Month.

Sinabi ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Rene Escalante, 10,000 lumang watawat na ginagamit ngayon sa buong bansa ang nakatakdang palitan bago sumapit ang buwan ng Mayo.

Ayon kay Escalante, mayroong kasunduan sa pagitan ng NHCP, Philippine National Police, Department of the Interior and Local Government at Ayala Foundation na ipamahagi ang mga bagong watawat sa mga public elementary school sa buong bansa.

Ayon kay Escalante, napansin nila na walang masyadong pondo ang Department of Education upang palitan ang mga lumang watawat kaya dumulog sila sa non-government organization.

“We have noticed that DepEd doesn’t have that much fund to replace the old and worn out flags, so we asked the help of the Ayala Foundation,” ani Escalante.

Sa Mayo 28 ipagdiriwang ang Flag Day, na sasabayan ng isang aktibidad sa Imus, Cavite upang alalahanin ang Battle of Alapan.

Ayon kay Escalante, magkakaroon ng campaign para sa sabay-sabay na pagtataas ng watawat sa buong probinsya ng Cavite.

“There will be campaign to come up with a synchronized flag raising all over the province .of Cavite and some other provinces who will participate in the event,” dagdag pa ni Escalante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?