9

Jan 18, 2021 @ 18:38
By

10K katao sa Sulu nawalan ng bahay sa LPA

Nawasak ng malakas na ulan, hangin at malalaking alon ang ilang kabahayan sa limang bayan sa Sulu sanhi ng low pressure area (LPA) na dumaan sa lalawigan noong Linggo hanggang nitong Lunes.

Ayon kay Sulu Governor Abdusakur Tan, nawalan ng bahay ang may 10,000 katao o 2,000 pamilya dahil sa masamang panahon.

Nananatili aniyang lubog sa baha ang mga coastal barangay ng Busbus, Chinese Pier, Takut-Takut, Tulay sa Jolo.

Dagdag niya, sa bayan ng Talipao ay bahagyang nasira ang Bandang Bridge at hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan.

Samantala, nagsimula na aniyang mamahagi ng mga relief good ang Provincial Social Welfare and Development sa mga apektadong pamilya sa mga evacuation center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?