5

By

1,091 dinampot sa EPD crime ops

Sharing is caring!

Umaabot sa 1,091 ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) sa magdamagang simultaneous anti criminality law enforcement operation na kung saan nasa 24 katao ang nahuli habang nasa 1,067 naman ang inaresto sa mga paglabag sa ordinansa, kahapon.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni EPD District Director SSupt. Bernabe Balba, patuloy ang pagsasagawa ng magdamang operasyon sa paghuhuli sa mga lumalabag sa batas at ang mga pasaway na residenteng hindi marunong sumunod sa ipinatutupad na ordinansa sa mga siyudad ng Pasig, San Juan, Mandaluyong at Marikina.

Umaabot sa 26 katao ang naaresto sa paglabag sa drinking in public places, smoking ban at nasa 575, half naked o walang damit pang-itaas ay nasa 99 ang nahuili, minors violating curfew hours ay nasa 39 banag iba pang paglabag sa ordinansa ay may nahuling 328 na nasa 1,067 ang mga pasaway na tambay na karamihan ay kalalakihanan ang inaresto.

Base sa tala ng EPD, nasa 528 ang nahuli ng Pasig Police, nasa 315 naman ang Mandaluyong, 201 ang Marikina Police at nasa 23 tambay ang nahuli ng San Juan Police na umaabot sa 1,067 ang mga naaresto sa mga paglabag sa ordinansa.

Samantala, nasa 24 katao naman ang lumabag sa Revised Penal Code kabilang na ang 18 sa illegal drugs, tatlo sa robbery & theft, isang qualified theft, isang robbery hold-up at isang kaso ng rape.

Nakumpiska ang may 86 piraso ng plastic sachets na naglalaman ng shabu at dalawang plastic sachet na may lamang dahon ng marijuana at P 2,400.00 buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek habang hinihintay ang kanilang paglilitis sa Prosecutors Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?