88

By

109 OFWs mula Saudi, nakauwi na ng Pinas

Sharing is caring!

Panibagong batch ng distressed OFWs na mula sa Dammam, Kingdom of Saudi Arabia ang lumapag sa NAIA nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sakay ang 109 OFWs ng Philippine Airlines flight.

Lahat umano ng iniuwing OFWs ay natanggal sa trabaho dahil sa gulo sa pagitan ng Al Azmeel Contracting and Construction Corporation, Rakkan Trading and Contracting Company, at SAMAMA Company.

Ang OWWA ang tumulong sa OFWs na makakuha ng flight tickets pabalik ng Pilipinas.

Sa pahayag ng OWWA, marami umanong manggagawa na nagdesisyon na bumalik dahil sa paglabag ng kanilang employers sa kontrata kabilang na ang hindi nababayarang sahod.

Binigyan naman ang umuwing OFWs ng cash assistance at livelihood package.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?