13

Oct 18, 2020 @ 18:49
By

108K tablet tulong ng Manila LGU sa mga estudyante

Napamigay na ng Manila local government unit ang 108,008 tablet device sa mga estudyante sa pampublikong paaralan, habang 11,000 laptop naman ang naipamigay sa mga guro.

Ito’y matapos maglaan ng Manila government ng mahigit sa isang bilyong pondo para sa matagumpay na pagsasagawa ng blended distance learning sa mga pampublikong pamantasan ng Maynila sa pandemya.

“Mahirap talaga ang distribusyon but at least, masasabi natin, kahit papaano nayayakap natin ang bawat pamilya ng mga Batang Maynila,” pahayag ni Mayor Isko Moreno.

Bukod sa mga tablet device at laptop, nagbahagi din ng mga pocket WiFi device sa mga guro, pati na rin ang mga sim card na may libreng 10 GB ng data para sa mga estudyante para magtuloy-tuloy ang online class.

Nakatakda namang maibigay ang huling batch ng mga tablet device sa parating na linggo na inaasahang 27,200 gadget ang hinahanda para din sa mga mag-aaral ng Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?