10

By

108 brgy, 5 munisipalidad sa Caraga ‘drug cleared’ na – PDEA

Sharing is caring!

Idineklarang ‘drug-cleared’ ng Barangay Drug Clearing Program Regional Oversight Committee ng Caraga Region (BDCP ROC-Caraga) ang halos 108 barangay at limang munisipalidad sa Caraga Region, matapos na makasunod sa mga requirement na inatas sa ilalim ng Dangerous Drugs Board Regulation No. 3, Series of 2017.

Ang mga munisipalidad ng Veruela, Sta Josefa, Loreto at Rosario mula sa lalalawigan ng Agusan Del Sur, kabilang ang munisipalidad ng Dinagat Island ay idineklarang drug-cleared’ matapos ang mga nasasakupang barangay nito ay bigyan ng ‘drug-cleared” status sa ginanap na 9th BDCP-ROC meeting nitong Setyembre 7, 2018 na isinagawa sa PDEA Regional Office 13 Building sa Provincial Hospital Compound, Barangay Libertad, Butuan City.

Kaugnay nito, sa latest development ay aabot sa 791 barangay mula sa 1,311 o may katumbas na 60 porsyento sa kabuuang bilang ng mga barangay sa Caraga region ang kasalukuyang nakikinabang sa ‘drug-cleared status’.

“Even if they are drug-cleared, these municipalities and barangays will still be strictly monitored by all stakeholders of the Barangay Drug-Clearing Program, especially by their respective Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) in order to sustain their drug-cleared status,” ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino.

“They will also undergo quarterly validation as provided for under Paragraph 3, Section 10 of DDB Regulation No. 3, Series of 2017,” dagdag pa ni Aquino.

Sakaling mabigo namang panatilihin ang mga pangangailangan para sa ‘drug cleared barangay’, maaaring bawiin ng BDCP-ROC Caraga ang ipinagkaloob ng na ‘drug-cleared certification’ sa pamamagitan ng ‘official notice’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,