27

Jan 4, 2022 @ 11:00
By

107 pulis nahawaan ng Covid

Umabot sa 107 ang bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa datos ng PNP nitong Martes, mula sa walong bagong kaso nitong Lunes, ay bigla namang umangat sa higit 100 ang bilang ng mga nahawaan ng sakit.

Samantala, umabot na sa 164 ang mga aktibong kaso sa PNP.

Umakyat naman sa kabuaang 42,370 ang bilang ng mga kumpirmadong tinamaan ng coronavirus.

Nasa 42,081 ang mga gumaling habang 125 ang mga namatay. (Sherrylou Nemis)
Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?