10
hiv1
By

1,047 bagong kaso ng HIV, naitala noong Agosto

Sharing is caring!

Nagkaroon ang Department of Health-Epidemiology Bureau ng bagong 1,047 kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) noong nakaraang Agosto.

Nabatid na ang bilang ay mababa ng 57 kaso kumpara sa naitala noong Agosto 2017.

Ibinahagi din ng kagawaran na noong Agosto may 159 may HIV ang namatay at 153 sa kanila ay mga lalaki.

Nanatili din ang pakikipagtalik bilang pangunahing pagkahawa ng sakit sa 1,022 kaso.

May 17 ang nahawa dahil sa paggamit ng injection needle at may dalawa ang buntis ng madiskubre ang kanilang sakit.

May walo naman sa mga bagong kaso ang hindi natukoy kung paano sila nahawa.

Base pa rin sa datos,30 porsiyento o 328 sa mga bagong kaso ay naitala sa Metro Manila.

Sinundan ito ng Calabarzon (173), Central Luzon (119), Central Visayas (108) at Western Visayas (58).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?