159

Nov 1, 2017 @ 12:32

104 pulis na sumabak sa Marawi, may heroes welcome sa Laguna

Pinagkalooban ng heroes welcome ang isang daan at apat na mga miyembro ng Regional Public Safety Batallion at Philippine Public Safety College sa Camp Eldridge in Los Baños, Laguna na dumating nitong Linggo ng gabi at kahapon mula sa Marawi City.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, nag-parade ang mga ito kahapon mula sa Barangay Mayapa Laguna hanggang  Camp Eldridge sa Los Baños, Laguna.

Sinalubong sila mismo ni CALABARZON  Regional Director Police Chief Supt. Ma O Rañada  upang purihin sa kanilang mga sarkipisyo habang tumutulong sa pakikipagsagupa sa Maute Terrorist group sa Marawi City.

At siyempre, dumating din ang kanilang mga mahal sa buhay na may bitbit na mga rosas.

Pagkatapos nito ay isang boodle fight ang ginawa sa Camp Eldridge at upang makapagpahinga ang mga ito binigyan ang mga pulis ng isang linggong bakasyon bago pormal na tanggapin ang kanilang award mula sa PNP. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?