17
arrested-arestado-huli
By

1,037 pasaway huli sa EPD

Umaabot sa 1,037 mga pasaway ang inaresto sa ikinasang magdamagang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na nagtapos kahapon ng umaga.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Nolasco Bathan, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO kaugnay sa mga paghuli sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal at ang pagdakip sa mga gumagawa ng illegal sa mga lugar na sakop ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan City.

Ayon sa report, nasa 29 pasaway ang arestado sa kasong drinking in public places, 191 katao ang arestado sa smoking ban, nasa 70 katao ang huli sa kasong half naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 95 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 652 ang nahuli pa sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 595 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 146 ang arestado ng Mandaluyong Police, 161 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 135 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?