41

By

$101.869-M salary cap ng NBA

Sharing is caring!

Inanunsiyo ng NBA na aabot sa 101.869 million dollars ang salary cap sa darating na 2018-19 season at papalo naman ng 123.733 million dollars ang tax level.

Epektibo ngayong Linggo, July 1 ng 12:01am (12:01pm, PHL time) ang salary cap at tax level sa pagsisimula ng moratarium period kung saan bawat koponan ay maaari nang magsagawa ng transaksyon sa free agents.

Magtatapos ang moratarium period sa Biyernes, 12:01 pm July 6 (12:01am, PHL time).

90% ng salary cap ang magiging minimum team salary katumbas ng 91.682 million dollars para sa 2018-19 season. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?