26

By

100K passport appointment slots, binuksan ng DFA

Sharing is caring!

Inanunsiyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano na nagbukas ang ahensiya ng 100,000 passport appointment slots ngayong Huwebes, Hunyo 14, 2018.

Kasabay ito ng paglulunsad ng DFA ng passport e-Payment system.

Ani Cayetano, 50,000 slots na ang binuksan alas-12:00 ng tanghali kanina habang ang natitirang 50,000 slots ay available ng alas-nuwebe ng gabi.

Ang appointment slots ay mula Lunes hanggang Sabado, maliban sa holidays.

Dagdag pa ni Cayetano na ang iniisyu nilang pasaporte ngayon ay may 10-year validity.

Samantala, sinabi rin ng DFA na sa paggunita ng Eid’l Fitr bukas ay sarado ang lahat ng kanilang consular offices sa buong bansa.

Ang mga may passport appointments bukas ay maaaring bumalik sa darating na Martes hanggang sa Hunyo 29 maliban na lang sa araw ng Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?