16

By

100K pabuya inilaan para sa killer ng opisyal ng Cainta police

Sharing is caring!

Naglaan ng P100,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng Cainta, Rizal para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa bumaril at nakapatay sa isang deputy police chief ng Cainta Municipal Police Station.

Nabatid na nabaril sa ulo ang biktimang si Sr. Insp. Jimmy Senosin, 41, at idineklarang dead on arrival sa pagamutan matapos makasagupa ng pulisya ang umano’y kilabot na drug pusher, na naganap Linggo ng gabi sa Barangay Floodway ng nasabing bayan.

Sa ulat na nakarating sa Rizal Police Provincial Office (RPPO), bandang alas-7:00 ng gabi nang rumesponde si Senosin kasama ang ilang pulis sa Block 3 Lakas Bisig sa Barangay Floodway matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa suspek na si alyas Ruben Gomez o mas kilala sa alyas ‘Ruben Tae’.

Batay sa report, pagdating ng mga nagrespondeng pulis sa lugar ay namataan sila ng suspek at agad bumunot ng baril at tumakbo patungo sa madilim na lugar kasama ang isa pang lalaki at sa kalagitnaan ng palitan ng putok ay nasapul si Senosin sa ulo na agarang nitong ikinasawi.

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt investigation ang Cainta Police para sa ikadarakip ng suspek katumbas ang P100,000 na patong sa ulo nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?