By

100K na trabaho sa Japan para sa Pinoy, aprub na

Sharing is caring!

Aprubado na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mahigit 100,000 trabaho na nakalaan sa Japan matapos lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ayon sa pamunuan ng POEA, prayoridad ang mga Pilipino sa nakalaang trabaho na hindi lang para sa mga professional kundi maging sa mga semi-skilled matapos ang MOU na kung saan ay nakapaloob dito ang Technical Intern Training Program o TITP na hindi lang mula sa mga government institutions, kundi maging sa pribadong sektor.

Kasabay nito, ipinaalala ng ahensya na mabuting mag-aral muna ng language proficiency exam sa Pilipinas para sa wikang Nihongo bago makapunta ng Japan at tanggapin ng mga employer.

Pasok sa mabibigyan ng trabaho ang mga OFW, professionals na nais mangibang-bansa at magtrabaho, semi-skilled workers at maging ang mga caregiver na legal ang pagtatrabaho sa Japan.

Abangan sa website ng POEA ang mga job order at posibleng trabaho na nais sa Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?