25

Jul 1, 2020 @ 13:22
By

100K kawani baka masibak sa trabaho

Ayon sa Department of Labor and Employment, higit 3,000 negosyo ang nagsabing pansamantala o permanente silang magasara sa harap ng coronavirus pandemic.

Sinabi ni DOLE Sec. Silvestre Bello III na 3,012 establisimiyento ang naghain ng temporary closure.

Lampas naman sa 200 ang mga nagsabing tuluyan na nilang ititigil ang operasyon.

Sakop aniya ng mga ito ang nasa 100,000 manggagawa.

Noong Mayo, binanggit ni Bello na posibleng mula 5 hanggang 10 milyong Pilipino sa bansa ang mawawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?