210

Oct 31, 2017 @ 17:52

10,000 katao, dumalaw sa sementeryo sa southern Metro

Sa bisperas ng Undas, mahigit sa 10,000 katao na ang naitalang dumalaw sa mga memorial parks at sementeryo sa southern part ng Metro Manila.

Base sa datos mula sa Southern Police District (SPD), ang pinakamaraming naitalang bilang ay sa Manila Memorial Park sa Parañaque City kung saan 5,000 ang dumalaw na sa mga puntod.

Sinundan naman ito ng katabing Loyola Memorial Park kung saan ang mga dumalaw na ay tinatayang aabot sa 3,000.

Sinabi ni SPD Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., na sa anim na lungsod at isang bayan na kanilang nasasakupan ay mayroon silang 27 libingan na binabantayan.

Bukod pa rito ang mga public transport terminal, apat na terminal ng NAIA at mga simbahan.

Aniya, sa pangkalahatan ay naging mapayapa naman ang mga sitwasyon sa mga libingan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?