70

By

1,000 trabaho para sa mga Pinoy, naghihintay sa Israel

Naghahanap ang bansang Israel ng isang libong Pilipinong manggagawa na magtatrabaho sa kanilang mga hotel.

Binuksan ang nasabing job opportunities kasunod ng paglagda sa memorandum of agreement sa pagitan nina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III at Israeli Tourism Ministor Yariv Levin.

Layunin ng kasunduan na gawing pormal ang government-to-government partnership para sa deployment ng mga Filipino hotel worker.

“The Israeli government is opening 1,000 jobs in the hotel industry for OFWs. They have an extreme demand for hotel cleaners. Although there are other interested countries who would like to send migrant workers, the Israelis prefer Filipinos due to their experience with our caregivers,” saad ni Bello.

Aniya, ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mangangasiwa para sa deployment ng mga OFW patungong Israel.

Nakipagnegosasyon na umano ang DOLE para mapababa ang deployment fee mula sa dating $8-12,000 patungong $2,000.

Ang mga kwalipikadong aplikante ay inaasahan umanong kikita ng $1,200 na buwanang sahod na katumbas ng tinatayang P60,000.

“Based on experience, I am confident that our OFWs will be treated fairly in Israel. I spoke with some of our ‘kababayan’ and they have expressed positive feedbacks with their Israeli employers. Some of them receive more than the basic salary of $1,350, while others do have more incentives, such as 40-day vacation,” dagdag ni Bello.

Bukod umano sa Israel, nagpahayag na rin ng interes na kumuha ng mga Pilipinong manggagawa ang Russia, China, Malta, Germany at Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?