178

Jan 3, 2018 @ 15:08
By

1,000 lumang dyip hindi na makakabiyahe ngayong Enero – DOTr

Asahang makikita na sa ilang kalsada ang kakaiba at makabagong pampasaherong jeepney ngayong unang buwan ng 2018, na kung saan ay suportado ito ng administrayong Duterte at ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Sa ilalim ng programa, ang mga pampasaherong sasakyan na nasa mahigit 15-taon na ay kailangan nang palitan o i-phase out at babaguhin ng environment friendly and fuel-efficient units.

“We are looking at a minimum of 300 to 1,000 vehicles this month alone and around 500 to 2,000 in the first quarter,” ayon kay Transportation Undersecretary for Roads Thomas Orbos..

Ayon dito, kakaiba ang klase ng modernong jeepney dahil mas malaki ito kumpara sa luma at nakasanayang jeep na kayang magpasakay ng mas maraming pasahero na hindi na kailangan pang sumabit at kumportable pa ang mga pasahero sa pag-upo.

Asahan din ang pagsulpot ng makabago at modernong jeepney sa ilang probinsya ng Tacloban, Leyte; Gen. Santos, Mindoro, Pampanga, at Nueva Ecija.

Kaugnay nito, sa kabila ng kaliwa’t kanang protesta ng mga transport groups, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na tuloy ang kanilang plano sa PUV Modernization Program at asahan na makukumpleto ang programa sa taong 2020. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?