26

By

1,000 kahon ng toxic na katol, kinumpiska sa Pasig Market

Sharing is caring!

Umaabot sa 1,000 hindi rehistradong mga katol ang kinumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD), National Capital Region Police Office (NCRPO) at Food and Drug Administration FDA) sa may 20 tindahan na nagbebenta ng toxic na katol sa Pasig Mega Market, kamakalawa.

Batay sa report, nakipag-ugnayan ang FDA sa NCRPO para mahuli ang mga tindahan sa Pasig Mega Market na kung saan ay talamak ang bentahan ng Wawang, Baoma at Gold Deer brand na pawang mga hindi rehistrado ng FDA.

Nabatid na nakasasama sa kalusugan ang mga toxic na katol kaya agad na kumilos ang FDA para mahuli at kumpiskahin ang mga nakalatag na panindang katol sa mga pamilihan sa loob ng Pasig Market kasama ang mga otoridad bandang alas 3:00 kamakalawa ng hapon.

Kaya naman, sumalakay ang grupo ng NCRPO, FDA kasama ang EPD sa pamumuno ng bagong District Director na si Sr. Supt. Bernabe Balba na nanguna sa panghuhuli ng mga tindahan na nagbebenta ng mga toxic na katol.

Kaugnay nito, sinabi ng NCRPO Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, na epektibo simula June 27 ang pag-upo ni Sr. Supt. Bernabe Balba sa EPD bilang kapalit at ibalik sa Camp Crame ang kauupong director na si P/Chief Supt. Alfred Corpus na halos dalawang linggo palang sa kanyang puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?