43

By

1000 barangay papanagutin ng DILG sa environmental issue

Padadalhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng ‘show cause order’ ang nasa 1,000 sa 5,714 barangays sa bansa dahil sa pagsuway sa kautusang istriktong pagpapatupad sa mga environmental law sa kani-kanilang nasasakupan na matatagpuan sa paligid ng Manila Bay Watershed areas.

Sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Operations Martin Diño, ang mga naturang barangay officials mula sa Central Luzon, Calabarzon at National Capital Region, ay inisyal na batch pa lamang aniya ng mga ‘erring barangay’, matapos na hindi magsumite ng hinihinging weekly report alinsunod sa kautusan ng ahensiya.

Base sa inisyung Memorandum Order No. 2019-09, inaatasan ng DILG ang may 178 local government units at 5,714 barangays sa Manila Bay Watershed Area na magsagawa ng weekly clean-up drives bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Around 1,000 of the 5,714 barangays remain to be indifferent to our cause, making a complete mockery of our overall campaign by continuously disregarding these high level orders for rehabilitation of the bay. It’s about time (we teach) these negligent officials a lesson for not complying with and enforcing applicable and environmental laws and policies pursuant to the law,” ani Diño.

Nagbabala rin ang opisyal na kakasuhan ang mga barangay officials sa Office of the Ombudsman kung mabibigong magpaliwanag hinggil sa kabiguang tumalima sa DILG order.

“Kailangan natin ang matino, mahusay, maaasahang mga barangay upang tunay na magpatupad ng batas sa kanilang nasasakupa hinggil sa rehabilitation ng Manila Bay. Patuloy kong hinihikayat ang atin punong barangays na makiisa at lalo pang gampanan ang kanilang tungkulin,” ani Diño.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?