74

Sep 13, 2019 @ 11:26
By

100 tiwali sa BOC hinahanap na ng Palasyo

Hinahanap na ng Malacañang ang 100 kawani at opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa katiwalian.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginta ng patuloy na kampanya laban sa korapsiyon sa gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na binigyan siya ng listahan ng 164 corrupt na mga tauhan ng BOC, at 64 umano sa mga ito ay nasuspinde na ng Ombudsman.

Ang hinahanap na aniya ay ang natitirang 100 empleyado ng BOC na karamihan ay matagal na umano sa serbisyo.

“I was given a list of 164. Sabi nung dating empleyado ng Customs, “Itong mga ito mayor, kung matanggal mo ito, mawawala ang corruption sa gobyerno,” I’m still trying to look for these 100 idiots, these son of bitch na wala talagang pahinga ang bayan,” ani Duterte.

Binigyang-diin din niya na kailangang magkaroon ng “law and order” ang bansa para mawala ang katiwalian.

Wala aniya siyang sasantuhin at wala siyang patawad laban sa mga gumagawa ng katiwalian, dahil agad-agad niya itong sisibakin sa serbisyo.

“We have to have law and order and there must be no corruption. Ako wala akong patawad. I just dismissed the…yung chairman ng Pasig River Rehabilitation Commission,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?