172

Jan 3, 2018 @ 12:08

100 preso nakatakas sa riot

Halos 100 preso ang nakatakas matapos ang naganap na riot sa pagitan ng magkalaban na gang na nagresulta sa pagkamatay ng siyam na inmates, lahat ay sinunog at pinatay.

Ayon sa mga opisyal, naganap ang riot sa Complejo de Aparecida prison sa Goias, Brazil nitong Lunes.

Nasugatan din ang 14 pang preso, isa rito ay kritikal, ayon kay head of the state’s prison service, Lieutenant Colonel Newton Castilho sa isang pahayag.

Nag-umpisa umano ang gulo sa bahagyang bukas na parte ng bilangguan nang manghimasok ang C-Block at magsimulang pagmalupitan ang kanilang kalabang gang.

Sinunog pa umano ang mga preso sa isang selda.

Ugat ng away, ayon pa sa opisyal, ang karibalan ng dalawang gang sa drug trafficking.

Dahil sa kaguluhan, nagawang makapuga ng may 242 preso sa pamamagitan ng pag-akyat sa pader. Nahuli na ang ilang dosena sa mga ito habang 99 pa ang pinaghahanap.

Gagamitin naman ang DNA testing at dental records para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga namatay na inmates.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?