113

Sep 5, 2019 @ 15:03
By

100 porsyento ibibigay ni Gonzaga sa PH squad

Sa training pa lang ng women’s volleyball pool, ibibigay na ni Jovelyn Gonzaga ang kanyang 100 porsiyento.

Paano kapag nakuha pa siya sa final lineup?

“Pupunta ako sa training kung pinapapapunta ako,” sabi ni Gonzaga hinggil sa pagkapili sa kanya sa national pool na naghahanda para sa 30th Southeast Asian Games.

“Magko-commit ako. Kasi kapag nag-commit ako, 100% magko-commit ako. Basta ang alam ko kapag kinuha ako magko-commit ako fully.”

Bahagi si Gonzaga ng National team na lumaban noong 2015 Singapore at 2017 Kuala Lumpur SEA Games at iba pang international stints.

“Ang pag-consider sa akin na i-include sa pool napakalaking bagay na para ma-boost ulit ang morale ko since naglaro ako ng SEA Games noong 2017,” kwento ni Gonzaga.

“Malaking bagay kasi SEA Games ‘yun and dito pa sa Philippines iho-hold,” aniya.

Bukod kay Gonzaga, dinagdag din sa listahan ng national pool sina middle hitter Maddie Madayag at Roselyn Doria.

Makakasama si Gonzaga sa 12-day training camp ng koponan sa Thailand na lalahok rin sa Southeast Asian Grand Prix sa Nakhon Ratchasima Setyembre 20-22.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?