49
100 porsiyento malapit nang maabot ni Jerwin
By ,

100 porsiyento malapit nang maabot ni Jerwin

Malapit nang maabot ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas ang kanyang peak form.

Ayon sa boksingero, nasa 90 porsyento na ang kanyang kondisyon at handang-handa na siyang depensahan ang kanyang titulo.

May isang buwan na rin na nagsasanay si Ancajas, na isa ring Navy reserve list, sa Marine Base buhat ng lumipat ang tropa sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite.

“Nasa 90 percent na tayo at 12 rounds ng sparring at focus na lang sa timbang natin. Sinasabak din ako ni coach sa iba’t ibang style sa sparring kasi nadala na kami nung last fight,” sabi ni Ancajas sa press conference at media workout nitong Martes.

Sinabi rin ni coach Joven Jimenez, chief trainer ni Ancajas, nasa maintain condition na si Pretty Boy kaya nagsisimula na la silang magpababa ng sparring rounds dalawang linggo bago lumipad pa-Amerika.

“Last week naka-12 rounds, dalawang 12-rounds na kami (out of 100), ito na ‘yung maintain condition niya. Pababa na ang sparring na gagawin niya, pababa hanggang three rounds, two rounds hanggang sa laban na po,” sabi ni Jimenez.

May bagong dagdag din sa team Ancajas, ang nutrionist at dietician na si Jeanette Aro, na siyang nagbibigay nutrition progam at ayon sa kanya na mukhang handa na ang 26-anyos na si Ancajas ng ma-hit nito ang 125 lbs na target bago umalis ng bansa.

“Kaya nung sinabi ni Jerwin na he’s right now at 90 percent of his fighting performance, it’s really true,” sabi ni Aro.

Ito na ang ikapitong beses na dedepansahan ni Ancajas (30-1-2, 20 KOs) ang kanyang korona kontra Ryuichi Funai (31-7, 22 KOs) sa Mayo 4 sa Stockton, California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?