146

Nov 12, 2019 @ 13:55
By

100 Pogo pinapabayaan lang! Pagcor isara na – Abante

Binanatan ng mga kongresista ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) dahil sa hindi nito pagbantay sa lampas 100 na iligal na online gaming operator sa bansa.

Sa deliberation ng House Committee on Ways and Means ng pagpatong ng five-percent tax sa mga Philipping offshore gaming operator (Pogo), sinabi nina House Minority Leader Bienvenido Abante Jr at Lanao del Norte Rep. Abdullah Dimaporo na hindi ginagawa ng Pagcor ang pag-aksyon sa mga illegal gaming operator.

“I just feel that Pagcor does not want to touch POGO. Because if you touch the POGO, you don’t have a good number of POGO outlets here,” ayon kay Abante.

“I feel that Pagcor has its own government. I would suggest that we scrap the whole POGO all together if we are not going to really tax it, let us scrap it all together. The government does not need any kind of a gaming that cannot be touched,” aniya pa.

Dapat umanong sundin ng Pilipinas ang Cambodia sa pagbabawal ng mga offshore gaming operator, lalo’t mas madami na ang mga operator kaysa sa mga licensee na nasa 60 lang.

“This is uncontrolled. So, therefore, how can Pagcor actually control and regulate the more than 100 illegal online gaming operators?,” saad pa ni Abante.

Humiling naman si Atty. Jessa Mariz Fernandez mula Pagcor na bigyan sila ng kapangyarihan para maipasara ang mga nasabing Pogo.

“We don’t have enforcement arm. They are the ones investigating and they are verifying whether or not those who are operating have license from Pagcor before making the arrest, ” ayon kay Fernandez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?