25

Oct 24, 2020 @ 15:21
By

100 Pinoy gustong lumayas sa China

Higit-kumulang sa 100 Pinoy sa China ang gusto nang bumalik sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine ambassador to China Jose Sta. Romana, kaunti na lang ang natitirang kababayan na nais makauwi sa ‘Pinas.

“Ang natitira na lang ngayon I think is less than a hundred or a little more,” saad ni Sta. Romana.

Aniya, karamihan sa mga gustong umuwi ay mga marino ng mga barko ng China dahil hirap din silang makababa sa pag-iingat ng naturang bansa sa COVID-19.

Hinahanda na ng Department of Foreign Affairs ang repatriation flight para sa mga Pinoy na posibleng mangyari sa Nobyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?