10

Sep 14, 2020 @ 23:40

100 pamilya sa Kidapawan, ika-quarantine

Sasailalim sa 14-day quarantine ang halos 100 pamilya sa limang purok sa dalawang barangay ng Makilala, North Cotabato matapos makasalamuha ang isang disease (COVID-19) patient.

Sa report, ayon na rin sa head of the Municipal Information and Communication Office (MICO) na si Lito Canedo, nakunan na ng swab samples ang ilang indibidwal.

Napag-alamang nadiskubre ng mga health worker mula Municipal Epidemiology and Surveillance Unit (MESU) na nakasalamuha at nagkaroon ng direct exposure ang mga residente sa isang empleyado ng City Government ng Kidapawan na positibo sa virus.

Bukod sa nakipag-inuman ito ay nakipiyesta pa umano sa isang barangay sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?