115
abante sunog fire
Dec 12, 2017 @ 17:00
By

100 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Las Piñas

Masaklap ang Pasko ng may 100 pamilya sa Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City.

Ito ay matapos maabo ang kanilang mga bahay dahil sa sunog.

Base sa impormasyon, alas-7:45 kamakalawa ng gabi nang magsimula ang apoy sa bahay ng isang Georgia Cubio.

Dahil gawa lang sa mga tagping kahoy, plywood at yero ang mga bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.

Makalipas ang mahigit lang isang oras ay uling at abo na lang ang may 50 bahay.

Sinabi ni FO2 Daisy Pedralvez na hindi pa mabatid ang pinagmulan ng apoy ngunit ayon sa mga residente ilang sandali lang bago ang sunog ay narinig si Cubio na nakikipagtalo sa isa sa mga umuupa sa kanyang bahay.

Sa ngayon ay nasa multi-purpose hall ng barangay ang mga nawalan ng tirahan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?