89

Dec 29, 2019 @ 17:40
By

100 pamilya nasunugan sa Tondo

Isang araw matapos masunog ang isang gusali sa Tondo, Maynila, may naganap na namang sunog sa isang residential area rito ngayong Linggo ng umaga na nagresulta sa kawalan ng tirahan ng 100 pamilya.

Ayon kay Bureau of Fire Protection-Manila chief investigator Fire Insp. John Joseph Jalique, sa ulat ng ABS-CBN News, nagtamo ng minor injuries ang apat na residente at isang fire volunteer sa sunog na nagsimula sa ikalawang palapag ng isang bahay na gawa sa light materials.

Umabot ang apoy sa ikaapat na alarma at dineklarang under control bago magtanghali, Disyembre 29, 2019.

Samantala, inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog bagama’t sinabi ng ilang residente na may spark silang nakita sa kisame ng bahay.

Nagkaroon din ng sunog sa isang gusali sa Tondo nitong Sabado ng madaling-araw, Disyembre 28.

Dalawa ang sugatan sa nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?