268

Oct 16, 2017 @ 14:21

100 pamilya ini-relocate dahil sa Nlex-Slex Skyway

Higit sa 100 pamilya na apektado ng isinasagawang konstruksyon ng NLEX-SLEX Connector Skyway ang inilipat ng tirahan ng pamahalaang lungsod ng Caloocan para mabigyang-daan ang ginagawang proyekto.

Isang relocation site ng National Housing Authority (NHA) na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan ang titirhan ng mga nasabing pamilya.

Ilan sa mga ito nama’y binigyan ng tahanan sa isang condo-type relocation building na matatagpuan naman sa North Caloocan sa Camarin.

Malugod namang tinanggap ng mga apektadong pamilya ang hakbangin para na rin umano sa kanilang kaligtasan.

Proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang NLEX-SLEX Connector Skyway na ginastusan ng P23.3 bilyon upang mas mapabilis ang biyahe mula Norte patungong Katimugang Luzon.
Taong 2021 inaasahang matatapos ang nasabing skyway. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?