422

By

100 NPA napaatras ng 6 pulis sa Samar

Sharing is caring!

Humigit-kumulang sa 100 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang lumusob sa istasyon ng pulisya sa Lapinig, Northern Samar alas-dos ng madaling-araw kanina.

Ayon kay Police Insp. Noli Montibon, hepe ng pulisya ng bayan, sakay ng dalawang truck, mga motorsiklo at naglalakad ang mga rebelde.

Aniya, pinaikutan muna ang kanilang istasyon bago nagpaulan ng mga bala ang mga rebelde.

Sinabi pa ng opisyal na bagama’t anim lang silang naka-duty ay dinepensahan nila ang kanilang istasyon ng 20 minuto.

Nang hindi tumigil ang pagpapaputok sa kanila, napilitan ang mga rebelde na umatras at tumakas na lang.

Dalawa sa pulis ang nasugatan at dinala na ang mga ito sa ospital.

Tiniyak ni Montibon na may mga nasugatan sa mga rebelde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?