110

Dec 9, 2021 @ 15:54
By

100% ng target population sa NCR bakunado na!

Masayang ibinalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na natapos na ang pagbabakuna o fully vaccinated na laban sa COVID-19 ang target population sa National Capital Region (NCR).

“100% na ang Metro Manila sa bakuna. Talagang natapos natin ito,” pahayag ni MMDA chairperson Benhur Abalos Jr.

Naunang sinabi ni Abalos na 9.8 milyon ang eligible population sa rehiyon.

Ipinagmalaki rin ni Abalos ang pagkontrol sa pagkalat ng Delta variant.

“‘Yung surge ng Delta sa ibang lugar, nawalan ng oxygen tanks, napuno, hindi naman natin ito na-experience sa Pilipinas,” sambit niya.

“If there’s one thing na ipagmamalaki ko, even right now, you compare the peak to peak, ‘yung peak natin at peak nila during Delta malayo. Magaling talaga ang ginawa ng team na ito,” patuloy niya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?