54

Jun 15, 2021 @ 19:11
By

100 dekada na itlog nahukay sa Israel

Nasorpresa ang isang grupo ng mga archaeologist mula sa Israel Antiquities Authority (IAA) sa nadiskubreng isang itlog ng manok na may 1,000 taon na ang edad.

Nakita ang itlog na nasa dumi ng tao habang nagsasagawa ng paghuhukay sa isang sewage disposal tank sa Yavne town.

Buo pa ang itlog at may yolk o dilaw pa sa kabila na may 100 dekada na ang edad nito, ayon sa Times of India report.

Ibinahagi ng IAA ang itlog sa kanilang official Facebook page.

“Intact chicken egg dating from roughly 1,000 years ago was revealed during archaeological excavations in Yavne. While excavating an ancient cesspit dating from the Islamic period, Israel Antiquities Authority archaeologists in Yavne were astonished to find an unbroken chicken’s egg,” sabi nito.

Prineserba na ang itlog para sa DNA analysis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?