39

Nov 16, 2019 @ 15:38
By

100 bahay naabo sa Mandaue

Umaabot sa 100 na kabahayan ang natupok ng apoy dahil sa pagputok ng linya ng kuryente sa Barangay Casuntingan, Mandaue City.

Ayon sa report ng Mandaue City Bureau of Fire Protection, naganap ang sunog sa isang bahay ng pamilya Caripes kung saan faulty electrical wiring umano ang sanhi ng pagkasunog bandang 2:02 ng hapon noong Nobyembre 14.

Naideklarang fire under control alas-3:17 ng hapon at walang nasugatan sunog pero nasa 200 na pamilya ang apektado sa insidente.

Tinatayang nasa P460,000 naman ang halaga ng mga natupok ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?