41

Apr 13, 2020 @ 15:15
By

100 artistang Pinoy: Mabuhay ang mga frontliner!

Pinuri at pinasalamatan ng mahigit 100 celebrity ang mga frontliner na tinaya ang kanilang buhay para labanan ang COVID-19 crisis sa bansa.

Nitong Linggo ng Pagkabuhay, nagbigay-mensahe ang mga artista sa iba’t ibang henerasyon kabilang na sina Beauty Gonzalez, Ogie Alcasid, Alice Dixson, Joel Torre, Lovi Poe, at Gabby Concepcion.

Sila’y kasapi sa Professional Artist Managers, Inc. na kasalukuyang nagrerepresenta ng higit 400 artista sa bansa.

“Thank you Father God for making a way for humanity to be saved through your Son Jesus. In the same way our front-liners ( medical practitioners doctors nurses security guards, janitors, staff workers in groceries, garbage collectors etc.) have put their lives on the line these past few weeks for everyone of us in lockdown,” hayag ng PAMI sa Facebook, Abril 9.

“We are alive & well protected from the virus thanks to them. PAMI Inc. collectively put together industry artists to express their heartfelt gratitude. Mabuhay ang Front-liners,” sambit pa ng grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?