18

Sep 14, 2021 @ 16:14
By

100-anyos sa Japan sumipa sa 86K

Lifestyle goals na maituturing ang mga Japanese dahil sa dami nilang umabot sa edad na 100 pataas.

Ayon sa Kyodo News report, pumalo na sa record na 86,510 ang mga centenarian sa Japan.

Sa 86,510 centenarian, 88.4% o 76,450 ay kababaihan habang 10,060 ay kalalakihan.

Tumaas ito ng 6,060 kumpara noong nakaraang taon, ayon sa Health, Labor and Welfare Ministry.

Nang magsimula umano ang survey noong 1963, nasa 153 lamang ang bilang ng mga Japanese centenarian ngunit pumalo ito sa 1,000 noong 1981 at tumaas pa sa 10,000 noong 1998 dahil sa pag-unlad ng medical technology ng bansa.

Si Kane Tanaka, isang 118-anyos na residente ng Fukuoka ang pinakamatandang babaeng Japanese sa kasalukuyan.

Kinilala siya bilang pinakamatandang nabubuhay sa mundo ng Guinness World Records.

Samantala, si Mikizo Ueda, isang 111-anyos na residente naman ng Nara ang pinakamatandang lalaking Japanese.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?