8

Aug 9, 2020 @ 11:40
By

100-anyos na pawikan naispatan sa Ilocos

Hindi isda ang nahuli ng isang mangingisda sa Badoc, Ilocos Norte kundi isang dambuhalang pawikan na edad 100.

Ayon sa Badoc Municipal Police, Agosto 7 ng hapon nang madiskubre ni Jimmy Villa, residente ng Barangay Saud, ang nasabing endangered species habang nangingisda siya.

May timbang itong halos 100 kilo, at may length at width na 102 centimeters at 92 centimeters, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Tinurn over ang pawikan sa mga tauhan ng DENR-BFAR, at matapos ang documentation at tagging ay binalik ang hindi-nasugatang hayop sa dagat kung saan ito likas na nakatira.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?