40

Oct 19, 2020 @ 19:24
By

10 WiFi bus ng Globe pinakalat sa Maynila

Nag-deploy ang Globe Telecom ng sampung school bus na mag-iikot sa Maynila para magbigay ng libreng internet connectivity para sa distance learning.

Armado ng special antenna ang mga school bus sa ilalim ng “KonekTayo WiFi” project.

Maglilibot ito sa mga barangay araw-araw mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi para magpasagap ng WiFi signal, ayon sa pahayag ng Globe.

Kabilang sa mga lugar na sakop ng proyekto ang Pasaje del Carmen Street, Remigio Street, 853 Gonzalo Gil Puyat Street, 924 Bilibid Viejo Street, Tomas Mapua Street, Alfonso Mendoza Street, Dalupan Street, Oroqueta Street at Basco Street.

Libreng magagamit ang “KonekTayo” sa first hour para sa mga public school student at teacher na binigyan ng Globe SIM card ng local government.

Maaaring i-extend ang internet service sa pagbabayad ng P15 kada araw.

Ayon kay Globe Telecom Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala, target ng kompanya na makipag-partner sa iba pang local government unit para mapalawak ang sakop ng kanilang tulong.

“Internet access is needed by students to pursue online education, by workers to continue earning a living while working from home, by families to stay connected with each other,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?