146

Aug 16, 2019 @ 18:58
By

10 toneladang marijuana, hinihithit ni Tyson

Umamin at tila mayabang pang sinabi ni Mike Tyson na gumagamit siya ng marijuana.

Sa isang episode sa podcast na `Hotboxin’ ng dating world heavyweight champion na si Tyson ay walang kiyeme nitong sinabi kung magkano ang nagagastos nito sa paggamit ng nasabing drugs.

“What do we smoke a month?” tanong ng ex-boxing champ sa co-host nitong si dati ring NFL player turned marijuana advocate na si Eben Britton. “Is it $40,000 a month?”

“We smoke 10 tons of weed at the ranch a month,” pag-amin naman ni Britton patungkol sa Tyson Ranch, na open din sa pagbebenta ng tanim na marijuana bukod pa sa planong pagpapatayo ng luxury resort sa nasabing rantso ng dating boksingero na sumikat noong taong 1985 to 2005.

“That’s a lot of weed,” sambit naman ng guest nitong rapper na si Jim Jones.

“Is that crazy?” saad at tanong naman ni Tyson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?