228

By

10 tagasuporta ni Jonvic Remulla, kinasuhan ng ‘vote-buying’

Nagsampa ng kaso ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Cavite laban sa mga tagasuporta ni dating Cavite Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla.

Kinasuhan nitong Lunes ng paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa vote buying at selling sina Teresita Marjes, Irene Morales, Elsie Alano del Mundo, Jayson Alab, Rex del Rosario, Jose de Leon, Gregorio Tamio, Michael Omedes, Joselino Villa at Jowel Sale.

Ayon sa ulat, naaktuhan ang mga respondent na namimigay ng brown envelopes sa campaign rally ni Jonvic sa Bacoor City.

Naglalaman umano ang mga envelope ng P200 cash na aabot sa P75,800 ang kabuuan.

Narekober din ang may P83,500 kasama ang mga campaign wristband at dalawang damit na may pangalan ni Jonvic at running mate na si Jolo Revilla na tumatakbong vice governor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?