426

Mar 28, 2019 @ 18:40
By

10 senatoriable, pasok sa balota ni Lacson

Nasa 10 senatorial candidates umano ang makakatanggap ng boto ni Senador Panfilo Lacson sa darating na eleksiyon.

“I have 10 right now na siguradong iboboto ko,” ani Lacson sa Kapihan sa Senado nitong Huwebes.

Kabilang umano sa kanyang mga “manok” sina reelectionist senators Sonny Angara, Bam Aquilino, Nancy Binay, JV Ejercito, Koko Pimentel, Grace Poe at Cynthia Villar; Mar Roxas at Doc Willie Ong.

Tumanggi naman ang senador na tukuyin ang iba pa niyang kandidato.

“Meron akong soft heart dun sa mga reeelectionst na kasama namin whether from the majority bloc or the minority bloc kasi nakasama ko na sila and alam ko na how they work,” paliwanag ni Lacson.

Dagdag pa ng mambabatas, nagkasundo na sila ng mga kapwa niya senador sa Senate majority bloc na susuportahan ang pitong reelectionist senators dahil kabisado na nila ang worth ethic ng mga ito na makakatulong sa Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?