67

By

10 senador pabor sa Department of Culture

Ipinalilikha ng 10 senador ang isang ahensya na magsusulong ng mga programa para mapagyaman ang sining at kultura ng bansa.

Sa Senate Bill No. 1528 na inakda ni Senador Chiz Escudero at sinamahan ng siyam pang senador, ipinasasalin ang kasalukuyang National Commission on Culture and the Arts (NCCA) tungong Department of Culture.

Kasamang nagsusulong sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at iba pang mga senador na sina Loren Legarda, Nancy Binay, Bam Aquino IV, JV Ejercito, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros at Sonny Angara.

Ayon kay Escudero, chairman ng Senate Committee on Education, Arts and Clulture, kailangang pahalagahan ang sining at kultura dahil kasama itong nagpapalakas ng isang bansa.

“The passage of this bill will further nurture and preserve our Filipino heritage by enhancing the agency’s mandate and giving it more authority in implementing the programs that will promote the importance of the Philippine arts and culture,” dagdag ni Escudero.

Nasa ikalawang pagbasa na ang panukalang batas matapos itong aprubahan sa komite.

Sa panukala, isasailalim sa Department of Culture ang 12 ahensya.

Tinukoy ang Cultural Center of the Philippines (CCP), National Museum of the Philippines (NMP), National Historical Commission of the Philippines (NHCP), National Library of the Philippines (NLP), National Archives of the Philippines (NAP), Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), Intramuros Administration (lA), National Parks Development Committee (NPDC), Nayong Filipino Foundation (NPF), Film Development Council of the Philippines (FDCP), National Book Development Board (NBDB) at Design Center of the Philippines.

Magkakaroon ito ng taunang badyet na hindi bababa sa P2 bilyon kada taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?