13

Jul 15, 2021 @ 18:31
By

10 puganteng Hapones sinipa ng BI

Sampung Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud ang sinipa palabas ng Pilipinas ng Bureau of Immigration (BI).

Kinilala ang mga pinaalis na sina Mishima Takumi, Tabata Ryota, Kawasaki Ryuto, Irabu Shioki, Onishi Shunsuke, Omata Kenta, Sato Takatoku, Hashizumi Ryushin, Mitani Ren at Oshita Nobuki.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ineskortehan ang mga pugante ng mga Japanese policeman.

Bawal nang pumasok sa Pilipinas ang mga naturang Hapones dahil isinama na sila sa immigration blacklist ng mga undesirable alien.

Kabilang sina Takumi, Ryota, Ryuto, Shioki, Shunsuke, Kenta, Takatoku, Ryushin, Ren at Nobuki sa 34 Japanese national na nadakip noong November 13, 2019 ng mga operatiba ng BI fugitive search unit sa loob ng isang hotel sa Makati City kung saan naaktuhan sila sa mga panloloko sa telepono at voice phishing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?