51

Mar 9, 2020 @ 21:41
By

10 patay sa pagguho ng quarantine hotel sa China

Sampu ang naitalang nasawi matapos gumuho ang isang hotel na ginagamit na coronavirus quarantine facility sa China, Sabado ng gabi.

Ayon sa Yahoo News, 48 katao ang naialis sa mga gumuhong bato, 38 sa mga ito ay buhay pa.

Ang naturang gusali ay matatagpuan sa Quanzhou, na ginamit para sa mga pasyenteng may COVID-19. Isa itong pitong palapag na steel structure na itinayo noong 2013.

Ginawa itong hotel noong 2018, ayon sa Xinhua.

Nasa 80 katao ang naroon nang mangyari ang insidente.

Bilang bahagi naman ng pag-iingat, nag-i-spray ang mga rescuer ng disinfectant.

Ipinatawag na ng mga pulis ang may-ari para mabatid ang sanhi ng pag-collapse ng gusali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?